Friday, May 22, 2020

Best Lola si Lola Doc

My first time to watch. Sa flying kiss pa lang di ko namalayan tumulo na ang luha ko. Ano ba ‘to? Eh, kakaupo ko pa nga lang sa computer chair. Humahangos pa ako from the kitchen dahil medyo na-late ako. Hmmm.. super excited lang kaya dahil siempre first YouTube monovlog venture ng Superstar? Pero nang magtanong na si Lola Doc ng ‘Mayayakap ko pa ba kayo?’, wala na tuluyan na umagos ang luha ko sa kanang mata, tapos sa kaliwa. Hay naku, Ate Guy nag-transform ka na naman. I was watching and listening to Lola Doc, not to Nora Aunor. Master class of no-acting acting, napaka-natural. Given na yun facial expression at ang mga mata na parang umiilaw. Iba rin talaga pag magaling na singer. Parang song lyrics ang dialogue, ramdam ang iba’t ibang emosyon sa bawat bigkas ng salita, alam kung kailan hihinaan o lalakasan ang volume o kung kailan kelangan mag-pause and mute. After na nagba-bye si Lola Doc at yumuko, nakakalungkot kasi baka katulad ni Lolo Doc, yun na rin ang maging huling ba-bye nya sa kanyang mga apo. 10 minutes ang video, mas maikli sa video ni Lolo Doc kaya siguro pakiramdam ko parang bitin. Pero ganun naman yata with Nora Aunor’s show of artistry, one is always left wanting for more.
I had to watch it the second time. Nangilid pa rin ang luha ko. But this time, na-appreciate ko na ng husto ang material. More than Nora Aunor’s heartfelt and profound interpretation of Lola Doc’s character, napakahalaga ang mensahe ng vlog para sa ating lahat na nahaharap sa walang kasiguraduhang dulot ng covid19 pandemya na ito. Very rich and intelligent ang script, simple lang ang mga dialogue pero tagos at ang daming life lessons na mapupulot. Bata at matanda, lahat ay may pinag-dadaanan. Kaya siguro kinailangan na makita rin sa video ang mga apo ni Lola Doc na mukhang namana rin ang galing nya. Sa pamamagitan ng simpleng eksplanasyon, paalala, pag-amin ng sariling kahinaan ni Lola Doc ay naipahatid ang mensahe sa mga kabataan.
Sabi ni Lola Doc: Bagong virus, bagong sakit, inaaral pa lang. Wala, wala tayong magagawa. Ganun talaga. Kahit mahawa, kahit magkasakit, kahit hindi na makita ang mga apo, hindi pa rin iiwanan ang mga pasyente. Ang hiling ni Lola Doc sa kanyang apo na si Ashley ay kung pwede hindi na Best Doctor in whole wide wide world ang Lola Doc nya kundi Best Lola na lang. We look up and depend on our health workers. Nandyan sila dahil sa kanilang propesyon at dedikasyon pero sila rin ay mga kapatid, Nanay, Tatay, Lolo at Lola, nagmamahal at may minamahal na ayaw mahiwalay sa kanila. Gawin po natin ang tamang pag-iingat para maingatan din natin sila. Maraming salamat sa mga health workers and frontliners! PS. Salamat kay Ms Nora Aunor sa kanyang tapang na tanggapin ang hamon ng pag-ganap sa bagong medium na monovlog. Salamat din sa napakagaling na nagsulat ng monovlog, Layeta Bucoy at sa TanghalangPilipino sa pagpapalabas ng makabuluhang pagtatanghal na ito. TanghalangPilipino YouTube channel

Sunday, May 17, 2020

Dear Ate Guy, Malapit na naman ang inyong kaarawan. Advance Happy Birthday po. Ilang dekada ka na sa showbiz, mula radyo, recording, telebisyon, pelikula, stage play, teleserye and very soon Wow! may monovlog na. Parang ikaw yata ang artista na walang pahinga at totoong napakatapang sa anumang challenge. Maraming salamat sa patuloy na pagbahagi ng iyong sining na hindi mapapantayan at walang pinipiling panahon. Kulang ang espasyo kung babanggitin ko pa ang lahat ng achievements, awards at tropeo na iyong nakamit kaya hindi na lang. Madali naman i-search ang mga ebidensyang ito sa internet. As a Noranian (mula pa 9 yrs old ako), nakaka-proud. Mapalad ako na ilang beses na rin kitang nakaharap ng personal. Maaaring hindi na maulit pa yun pero masaya na ko na isipin ang magagandang alaala ng mga pagkakataong yun. Nanghihinayang lang ako na hindi ko nasabi ng harapan ang lubos na paghanga at pasasalamat dahil sa hiya at pagka-umid ng dila kaya dito na lang sa sulat ko ipahahatid. Sana po ay makarating sa iyo. I love you Ate Guy. Muli, Maligayang kaarawan! Hiling ko ay mapagkalooban ka pa ng maraming taon na may mabuting kalusugan, pagmamahal at kapayapaan ng isip. Humahanga, nagmamahal at nagpapasalamat na sa aking panahon, minsan may isang Nora Aunor. Ellen P.S Let us watch Nora Aunor as 'Lola Doc' - a monovlog by Layeta Bucoy TRIBUTE TO ALL MEDICAL FRONTLINER HEROES!!! Premiere on Tanghalang Pilipino’s Youtube channel in celebration of Ate Guy's birthday this May 21. Subscribe now http://youtube.com/tanghalangpilipino